Super Typhoon Mawar O Bagyong Betty Mag Lalandfall Na Sa Pilipinas Latest Update! Ganito Kalakas....

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Jerome

 


Mamayang gabi o bukas ng umaga inaasahang papasok sa Philippine Area of Resposibility ang super typhoon na tatawaging Betty. Tutungo ito sa hilagang Luzon.


Ngunit uulanin din ang iba pang bahagi ng bansa, dahil ito sa habagat na inaasahang hahatakin ng nasabing bagyo.


Huling namataan ang Super Typhoon na may international name na Mawar, sa layong 1740km sa may Silangan ng south eastern Luzon.


Ito ay may taglay na lakas ng hangin na umaabot sa 215 km. per hour. At pagbugso naman na umaabot sa 265 km. per hour.


Sa ngayon ay mabilis itong kumikilos sa kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20km. per hour.


Sa huling broad cast na inilabas ng PAGASA, inaasahang mamayang gabe o bukas ng umaga ay nasa loob na ito ng PAR o Philippine Area of Responsibility.


Ngunit hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na magkaroon parin ng pagbabago sa direction nito at sa lakas ng hangin na taglay ng nasabing bagyo.


Inaasahan din na lalakas pa ang bagyo sa mga susunod pang mga oras.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo