Sikat Na Kapamilya Star Makikipag-Tandem Sa Umalis Na Abs-Cbn Artist!!!

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Jerome

 


Sikat na kapamilya singer actress at umalis na kapamilya actor magsasamang muli sa isang pelikula.


Nagulat ang mga tagahanga ni Sarah Geronimo ng magbahagi siya ng mga larawan sa kanyang Instagram account na kasama ang actor na si John Lloyd Cruz.


Ang nasabing larawan ay kuha sa mula sa opisina ng Viva Film, na tila nagpapahiwatig nga ito na may gagawin namang muli ang dalawa na isang proyekto na pagtatambalan na naman nila.


Malaki nga ang posibilidad na muli silang magtambal sa isang pelikula bago matapos ang taong ito.


Naganap nga ang pag-uusap nina Sarah Geronimo at John Lloyd sa opisena ng Viva film. sa Pasig City nitong Huwebes May 25, 2023.


Tila na kumpirma nga ang pagsasamahang pelikula ng dalawa dahil nga sa post ng singer actress at Tv host na si Sarah G.


Ang proyektong gagawin ngayon nina John Lloyd at Sarah ay ang ika limang proyekto na pagsasamahan nilang dalawa.


Kung matatandaan ay unang nagtambal ang dalawa sa "A Very Special Love" noong taong 2008, na kumita ng 185,235,234.


Sinundan naman ito ng "You Change My Life in a Moment" noong 2009, na kumita naman ng 232,209,042 sa Box Office.


Pa ngatlo naman ang "It Takes Man and A Woman" noong 2013 na nagkaroon din ng kita na 387million sa takilya.


Samantala masayang-masaya naman ngayon ang kanilang mga fans, ng malaman na muli na namang magtatambal ang kanilang mga idulo. 


Ito ay dahil sa 6 years na din ng huli silang magkatrabaho na dalawa sa "Finally Found Someone" na huling pelikula nilang magkasama, na umabot sa 360million ang kinita nito sa takilya.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo