Sunshine Cruz Ayaw Munang Pag-usapan Si Macky Mathay

Sabado, Mayo 27, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa handa ang aktres na si Sunshine Cruz na pag-usapan ang dating nobyo na si Macky Mathay dahil pilit niyang iniiwas ang usapan kung patungo na ito sa dating nobyo.


Sa kamakailang press con para sa pelikulang  Unbreak My Heart—ang teleserye collaboration ng GMA-7, ABS-CBN, at Viu, inusisa si Sunshine Cruz tungkol sa relasyon nila ng dating asawa na si Cesar Montano at dating nobyo na si Macky Mathay.


Matatandaan na umani ng papuri mula sa mga netizens ang blended family nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.


Maayos na at nakakasama na ni Cesar Montano ang tatlong anak niya kay Sunshine Cruz. Sa katunayan, magkakasama ang buo nilang pamilya noong holiday seasons.


Naging magkaibigan na rin sina Sunshine Cruz at bagong kinakasama ni Cesar Montano na si Kath Angeles.


“Time really heals all wounds. I think its about time,” saad ni Sunshine.


“And I feel and I see that my kids are really very, very happy every time that they would go out with Kath, with Cesar…


“Wala nang sugat, wala nang anything, and it’s just really a blessing na, of course, pati yung partner ni Cesar na si Kath ngayon ay nag-encourage talaga na maging close lahat.


“So, I think talaga pag mabait ang partner, lalong babait ang tao!” natatawang hirit ni Sunshine.


Naitanong naman kay Sunshine kung handa na ba siyang magmahal muli subalit pilit na iniiwasan ni Sunshine ang tanong.


“Nakupo, Lord, ayoko!” sagot ni Sunshine.


Dagdag pa ni Sunshine, “So I’m really focused on work and my children.”


“Wala na yan,” kasabay ang gesture na itigil na ang topic.


“As much as possible, I really don’t wanna talk about after what has happened in the past,” pagdidiin pa ni Sunshine.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo