Chavit Singson, Nagsalita Na Sa Isyung May Relasyon Sila ni Yen Santos

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng reaction ang businessman na si Chavit Singson hinggil sa kumakalat na isyung may relasyon sila ng aktres na si Yen Santos.


Matatandaan na bago paman kumalat ang chismis noon tungkol sa relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis na naging magkaloveteam sa pelikulang A Faraway Land, unang naging usap-usapan ang relasyon ni Yen Santos at Chavit Singson.


May naging patutsada pa noon ang veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis patungkol sa ipon ni Yen Santos mula sa isang pulitiko na maaring maubos ni Paolo Contis.


Bagama't inamin na kamakailan lamang nina Yen Santos at Paolo Contis ang kanilang relasyon matapos ang ilang buwang pananahimik may ilang mga netizens pa rin ang curious sa totoong nangyari sa 'relasyon' nina Yen Santos at Chavit Singson.


Samantala, kumakalat ngayon sa TikTok ang video sa pagbigay ng sagot ni Chavit tungkol sa nangyari sa kanila ni Yen Santos.


“Aware kayo na nali-link kayo dati kay Yen Santos?” tanong ng isang reporter.


Napasmile naman si Chavit Singson, kaya naman tinanong siyang muli ng reporter.


“Alin po siya doon, ang totoo o hindi?”


“Itanong niyo na lang kay Paolo,” sagot ng businessman.


Hindi na muling nagbigay pa ng karagdagang detalye si Chavit Singson tungkol sa kanyang ipinahayag.


Si Luis Crisologo Singson, na mas kilala bilang si Chavit Singson, ay isang Filipino businessman and politician, nagsilbi siya bilang mayor ng Narvacan, Ilocos Sur, noong 2019 hanggang 2022.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang pahayag ni Chavit Singson.


Marami ang nakapansin sa ngiti ni Chavit Singson na tila nagpapahiwatig lamang umano na totoong nagkaroon sila ng relasyon ni Yen Santos noon bago ang relasyon nila ngayon ni Paolo Contis.


"im from vigan and madalas si yen dito samin nun"


"legit. kinilig eh. hahahhaha"



@starsphotog517 #StarsPhotog #PopsFernandez #VinaMorales #YenSantos #PaoloContis Iba Ang Ngiti ni Gov. Chavit Singson ng Marinig Ang Pangalan ni Yen Santos Itanong Daw Paolo Contis Kung Na-Link Sya Kay Yen..@yensantos @popsfernandezofficial @vinamorales @paolocontis ♬ original sound - StarsPhotog

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo