Kiray Celis Hayagang Tinawag Na Mukhang Pera Ang Kanyang Ina

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Sa guesting kamakailan ng aktres na si Kiray Celis, prangkang isiniwalat niya na lahat ng mga ina ay mukhang pera, kabilang na ang kanyang sariling ina.


“Mukhang pera ang lahat ng mga nanay.”


Gayunpaman, nilinaw ni Kiray na in a good way naman ang pagiging mukha pera ng mga ina.


Isiniwalat din ni Kiray sa panayam, na noong hindi pa niya nabibigyan ng isang milyon ang ina ay napakahigpit nito sa relasyon nila ng kanyang nobyo na si Stephan Estopia.


“Bago ko bigyan ng one million [pesos] ang mama ko, ‘Bawal kayong maglabas, ha? Kayong dalawa, bawal!’ Nung nabigyan ko ng one million, sabi niya, 'Kailan kayo magpapakasal?’


“Ganoon! Iba ang nagagawa ng pera! Mukhang pera talaga ang mama ko. Proud ako, mukhang pera ang mama ko. Seryoso yan.


“Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explain naman yan.


"Sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya. Sila ang nagha-handle ng pagkain. Kung nangungupahan, upa."


Hindi naman umalma si Kiray ng sabihin ni Tito na sadyang mahalaga sa mga ina ang pera dahil sila naman ang naghahandle sa mga gastusin sa loob ng bahay.


"Mahalaga ang pera para sa mga nanay because they take care of the home."


Samantala, ibinahagi rin ni Kiray kung ano ang pinaggastusan ng kanyang ina sa ibinigay niyang 1 million pesos.


“This year, nabilhan ko ng dalawang lote yung mama ko. Yung dalawang lote na yon, yung unang beses, napagawa niya agad.


“So, hinihintay lang niya ang malaking pera para maipagawa po yung bagong lote. Pero sabi pa niya, kulang pa raw. Actually, kulang naman po yon sa pagpapagawa."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo