Slater Young Binabatikos Dahil Sa Pahayag Tungkol Sa Pagpapantasya Ng Kalalakihan Sa Ibang Babae

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng mga kababaihan ang ipinahayag ni Slater Young kamakailan lamang tungkol sa pantasya ng mga lalaking in a relationship na.


Naging red flag para sa lahat ng mga kababaihan ang naging pahayag ni Slater Young na maaring pagpantasyahan pa rin ng mga lalaking may karelasyon na ang ibang babae.


Nag-ugat ang nasabing isyu sa podcast mismo ng Pinoy Big Brother grand winner na si Slater Young kasama ang asawa nitong si Kriz Uy nitong May 9.


Sinabi ni Slater Young na normal lamang sa kanilang mga lalaki na magpantasya sa ibang babae bukod sa kanilang partner.


Inamin pa ni Slater Young na kasali siya sa isang group chat kung saan ang kanilang main topic ay ang kanilang pagpapantasya sa iba.


“‘Yung mga groups na nagsesend ng mga photos of girls and like fantasizing over it, it’s normal. We have a lot of chat groups with friends, not necessarily dedicated to that."


"From time to time, usually comes from dalawa or tatlong tao na mahilig mag-send nang ganyan. May mga comment-comment pa. Siyempre ikaw, as part of that group and as a guy, sakyan mo lang,” pahayag ni Slater Young.


Samantala, ayon kay Kriz Uy, hindi siya nakikialam sa mga private messages ng asawa at iniiwasan niyang magbasa nito upang wala siyang makita na maari pang pagmulan ng kanilang pag-aaway.


“To protect my peace, I’ve never looked at your group chats. Ever. I never intentionally went to your phone and was like, ‘I’m gonna look for this group. I know that they send stuff.’ But I’m like, bakit pa? Wala naman siyang ginagawa in person,” pahayag naman ng asawa ni Slater Young.


Agad namang binatikos ng mga kababaihan si Slater Young dahil buong akala umano nila ay napakabait nito. Maging si Kriz Uy ay hindi rin nakaligtas sa mga pambabatikos sa pagkukunsinti umano nito sa gawain ng kanyang asawa.


"This makes me sad. I thought you guys were responsible vloggers especially knowing you have a lot of followers. It's normal to fantasize about women, but it doesn't make it right. Objectifying women is never acceptable, and tolerating it perpetuates a harmful culture. What's worse is that you are normalizing this behavior to thousands of subscribers."


"I don't think it's normal to fantasize women especially when you already have a significant other. 

Maybe it happen sometimes coz we are just a human after all but never normalized it."


"Fantasizing about others while in a relationship is mental and emotional cheating. If you’re a father and this is how you still think, maybe you need to evaluate yourself, is this a good example for your sons and if you have a daughter."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo