Ninong Christian Merck Grey Unbothered Sa Paniningil Ni Xander Ford

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 

Unbothered at hindi pinapansin ng content creator na si Christian Merck Grey ang mga hanash at paniningil ng social media personality at dating actor na si Xander Ford sa umano'y ipinangako niyang pakimkim sa inaanak na si Baby Xeres.


Ayon sa mga rant ni Xander Ford nangako umano sa kanila ng kanyang kinakasama na si Gena Mago si Christian Merck Grey at nangakong sasagutin ang kalahati ng bayad sa catering services para sa reception ng binyag.


Kasunod nito nangako pa umano si Christian Merck Grey na magbibigay pa ng karagdagang 349 thousand bilang pakimkim sa kanilang anak.


Subalit, nang dumating ang araw ng binyag ay hind man lang nakita miski anino ni Christian Merck Grey sa simbahan man o sa reception ng nasabing okasyon.


Hindi naman matanggap-tanggap nina Xander Ford at Gena Mago ang hindi pagsipot ni Christian Merck Grey sa binyag at ang tila paglimot na rin nito sa ipinangakong pera na ibibigay sa kanila.


Nauna nang ibinahagi ni Xander Ford sa kanyang Facebook post ang screenshot ng pangako ni Christian Merck Grey sa kanila.


Makalipas ang ilang araw sinisingil na ngayon ng couple si Christian Merck Grey sa ipinangako nitong pakimkim dahil kailangan umano nila ng pera.


Tila sinisisi pa nila ang content creator kung bakit malaki ang kanilang nagasto sa binyag ng anak dahil sa pangako nitong ambag na hindi pa naibibigay.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, sadyang nangutang si Xander Ford ng pera pa sa sosyal na binyag ng anak sa pag-aakalang may ibibigay sa kanila si Christian Merck Grey.


Kaya naman, sinisingil ngayon ni Xander Ford ang 349 thousand pesos na pangako sa kanila ni Christian Merck Grey.


“Ang gusto lang namin dito ay makuha ‘yung para sa’min,” ani Xanmder. “Alam naman namin at alam naman niya na talagang sinasabi sa amin ‘yon, na pinangako niya sa’min yon.”


“Yung lang ang gusto naming mangyari dito na sana ibigay mo nalang samin ‘yung P349,000 na ipinangako mo samin,” paniningil ni Xander Ford kay Christian Merck Grey.


Gayunpaman, tila hindi naman pinapansin ni Christian Merck Grey ang mga banat at paniningil ni Xander Ford. Sa latest social media post nito, makikita lamang ang masayang celebration nila ng mother's day.


Walang anumang pahiwatig sa mga hugot ni Xander Ford at sa sinisingil nitong 349 thousand pesos.


Samantala, patuloy naman ang paghihintay ng mga netizens na patulan na ni Christian Merck Grey ang paniningil ni Xander Ford.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo