Julia Montes Kinumpirma Na Ang Pagiging Ina

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


Agad na napansin ng mga netizens ang ibinahaging Mother's Day greeting na ibinahagi ng aktres na si Julia Montes.


Binati ni Julia Montes ang mga ina, ipinahayag din niya ang kanyang pagsaludo sa lahat ng mga ginawa at sakripisyo ng mga ito para sa kanilang buong pamilya.


Kasunod nito ang pagbati naman kay Julia Montes mula sa kanyang mga followers at kapwa celebrities. Hindi naman nagpahayag ng anumang pagtutol si Julia Montees sa pagbating ito sa kanya.


Kaya naman naisip ng ilang mga netizens na totoo ang isyung may anak na ito at ang actor-director na si Coco Martin ang ama.


Matatandaan na nauna nang naisyu ang pagbubuntis ni Julia Montes ilang taon na ang nakakalipas. May mga nakakita umano sa aktres na may malaking tiyan.


Kumalat din noon ang larawan ni Coco Martin kung saan may nakitang feeding bottle sa background.


Gayunpaman, nanatiling tahimik sina Coco Martin at Julia Montes sa isyu.


Muling pumutok ang isyung nagbuntis si Julia Montes sa ikalawang pagkakataon nitong nakaraang taon. Kung saan kapansin-pansin ang tila pagtatago ni Julia Montes sa kanyang lumalaking tiyan.


Kapansin-pansin din ang pagtaas ng kanyang timbang at biglang pagkawala niya sa industriya.


Sa pagkakataong ito, marami ang umaasa na tuluyan nang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon at ang pagkakaroon nila ng mga anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo