Makagwapo Bumanat Sa Nagsanib Pwersa Na Sina AwitGamer At Xander Arizala

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Tila bumubwelta na ang content creator na si Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo sa nagsasanib pwersang sina AwitGamer at Xander Ford Arizala.


Hinahamon ni MakaGwapo sina Xander Ford at AwitGamer ng isang boxing match upang magkalabasan na sila ng inis.


Tila hindi na nakapagtimpi si MakaGwapo sa naging kampihan nina AwitGamer at Xander Ford para maningil sa kanya ng 349 thousand na ipinangako umano niya na ibibigay bilang pakimkim sa binyag ng anak ni Xander Ford.


Matatandaan na noon pa man ay may misunderstanding na sina Makagwapo at AwitGamer noong nakaraang 'Batle of the Youtubers. 


Kaya naman bilang pagganti, kumampi si AwitGamer kay Xander Ford at sinabing nagkakatago na si Makagwapo matapos ang binyag ng anak si Xander dahil ayaw nitong tuparin ang ipinangakong pera kay Xander.


Samantala, sa latest video na inilabas ni Makagwapo ipinahayag niyang ginagamit lamang ni AwitGamer ang isyu nila ni Xander Ford upang humakot ng views.


“Awit kung ikaw nami-miss mong matanggalan ng ngipin, sabihin mo lang sakin.. Anytime, miss ka na ng kamao ko,” saad ni Makagwapo.


“Kayong dalawa sa ring tapos ako mag-isa para may laban laban na naman kayo sakin, para pagpawisan ako.. hindi ako pagpapawisan sa inyo eh,” paghahamon pa nito.


Matatandaan na labis ang pagkadismaya ni Xander Ford nang hindi sumipot si Makagwapo sa binyag ng kanyang anak. Hindi rin umano ito tumupad sa pangakong magbibigay ng 349 thousand pesos para sa binyag at para sa future ni anak.


May paiyak-iyak pa si Xander Ford dahil nagkanda-utang utang na umano sila dahil sa ginawang pagpapaasa ni Makagwapo.


Sa ngayon ay hindi pa sinasagot nina Xander Ford at Awit Gamer ang hamon ni Makagwapo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo