Dolly De Leon Pabor Sa Mga Pahayag Ni Liza Soberano?

Huwebes, Mayo 25, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang naging pahayag ng international award winning actress na si Dolly De Leon hinggil sa tila pagdidepensa niya sa mga binitiwang pahayag ni Liza Soberano.


Ayon sa naging panayam ng TV5 news anchor na si Julius Babao kay Dolly De Leon para sa kaniyang vlog, ipinahayag ni Dolly na wala siyang nakikitang masama sa mga binitawang mga pahayag  kamakailan ni Liza.


Matatandaan na inirereklamo ni Liza Soberano ang tila pagkakakahon sa kanya sa iisang loveteam at sa pakikipagtrabaho sa tatlong direktor.


Samantala ayon kay Dolly De Leon, irespeto na lamang ang mga naging pahayag ni Liza Soberano dahil sa paningin nito, siya ang nasa tama dahil kwento niya iyon.


“Whatever she said, it’s her truth and we have to respect it. We should allow people to voice out whatever, I mean like me, I’m voicing out so many things, ‘di ba,” pahayag ni Dolly.


“So why not give her the space that she deserves to speak her truth, and for me, kung marami siyang mga negative feelings or hinanakit… it’s only human for us to talk about that and be honest about our experiences, there’s nothing wrong with that.”


Malaki rin umano ang tiwala ni Dolly De Leon na kakayanin ni Liza Soberano na makapasok sa Hollywood dahil naumpisahan na niya ito sa pelikulang Lisa Frankenstien.


“Actually naka-penetrate na siya sa Hollywood, meron siyang ‘Liza Frankenstein,’ malapit na ‘yan… baka before you know it, nandiyan na siya.” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo