Rendon Labador, Nag-public Apology Kay Ben Tulfo Pero Hindi Nangangakong Hindi Na Siya Uulit

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng public apology ang self proclaimed Motivational speaker na si Rendon Labador para kay Ben Tulfo subalit iginiit niyang hindi na maipapangakong magiging mabait sa ibang mga artista na una niyang binanatan.


Sa isang Facebook post kamakailan lamang ni Rendon Labador, nilinaw niyang hindi naman sila nagkaaliyan ni Ben Tulfo.


Naging biktima lamang umano sila sa mga fake news na lumalabas sa social media. Sinabi pa niya na binisita niya si Ben Tulfo sa tanggapan ng Bitag, hindi dahil sa natatakot siya rito kundi upang makipausap rito at nang magkakakilala silang mabuti.


Taliwas sa una niyang pahayag na hindi niya ito kilala, ipinahayag ni Rendon na bilib siya sa mga credibilties nito bilang journalist.


“Hindi ko siya pinuntahan dahil natatakot ako sa kanya, pinuntahan ko siya kasi gusto ko siyang makilala at isa siya sa mga tinitignan ko na feeling ko ay mas makakaintindi sakin. Isa siya sa mga nakikita ko sa Pilipinas na mataas ang kredibilidad, may paninindigan at may isang salita,” saad ni Rendon Labador.


“Sabi ko sa kanya ‘idol gusto ko ‘yung narating mo, nakikita ko ‘yung posisyon mo ngayon na yan ang gusto kong marating’ at isa sa mga pinakagustohan ko kay idol Ben Tulfo ay ‘yung sincerity niya sa pagtulong sa mahihirap,” dagdag pa nito.


Sinabi rin ni Rendon na napakabait sa kanya ni Ben Tulfo at parang anak na rin umano ang turing nito sa kanya. Pinayuhan din umano siya nito na i-tone down ang kanyang mga pambabatikos sa ibang mga celebrities.


Kaya naman, bilang pagsunod rito, humingi ng tawad si Rendon sa lahat ng mga celebrities at netizens na na-ooffend sa kanyang mga ibinahaging statements sa social media.


Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya maipapangako na itone down ang kanya mga statements laban kina Coco Martin at Michael V. dahil nagpapahayag lamang umano siya ng totoo.


“Gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat ng Pilipinong nasaktan at naging emosyonal sa mga nangyari sa social media, hindi ko po ma-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrities at atleta na nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet.”


“Hindi ko po ma-a-assure na hindi ko po kayo masasaktan ulit, pasensya na po ako for being straightforward,” paglilinaw niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo