Planong P40-Billion Food Stamp Ng Marcos Administration Kinukuntra Ng Mga Netizens

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 May ilang mga netizens ang kumukontra sa plano ng Marcos Administration na isusulong ang 40 billion pesos na Food Stamp na ipapamahagi umano sa mga mahihirap.


Sa isang Facebook post ni MJ Quiambao Reyes, ipinahayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa planong ito ng gobyerno. Ipinaalala pa niya na may ilang benificiary ng 4P's o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na ayaw nang magtrabaho dahil naghihintay na lamang sa ayudang matatanggap mula sa gobyerno.


May ilan pang ginagamit ang pera natatanggap sa pagsusugal at sa pag-iinom.


“Marami raw sa kanila ay ayaw ng mag banat ng buto. Umaasa na lamang sa 4Ps. Ayaw na’ng mag tanim, ayaw mangisda, at ayaw na rin mamasukan. Pa tong-its tong-its na lang at pa-barik barik ang ilan. Pinagkakasya ang natatanggap na ayuda. Yung iba, sinasadya pa nga raw magparami ng anak para mas malaki ang matanggap.” 


May mga nagsasabi pang kung matutupad ang pamimigay ng food stamp ng gobyerno tiyak na lalong aasa ang ilan at hindi magtatrabaho. Ayaw nang magsaka at mangisda at patuloy na lamang sa pag-asa sa mga ayuda.


Hiling pa ng ilang mga netizens na ang perang bilyones na ilalaan sa food stamp ay gamitin na lamang sa ibang livelihood programs at para sa pagbili ng mga makinarya para sa mga magsasaka at mangingisda.


“Sana mas paglaanan natin ng resources ang mga mas sustainable livelihood programs para totoong umangat ang mga kababayan nating nasa laylayan – at hindi masanay sa paghingi o pagtanggap lang ng ayuda (na minsan o madalas ay kapalit ng kanilang boto).” aniya.


“Sana ang bilyones na pondo ay mas gamitin para maturuan ng makabagong teknolohiya at matulungan ang ating mga magsasaka at mangingisda. Mag invest sa mga cold storage facilities, farm to market roads, onsite processing facilities per region, and the likes."


“Sana mas gamitin ang pondo para tulungan rin na makapag bukas ng mga pabrika sa iba’t ibang lugar to help generate jobs. Tulungan natin silang tumayo sa sariling mga paa.”


Pagpupunto pa ng ilan na dahil sa ginagawang pamimigay ng gobyerno sa mga mahihirap ng mga ayuda tinuturuan lamang umano ng gobyerno na maging tamad ang mamamayan ng bansa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo