Moira Dela Torre Nag React Sa Larawan Ng Ex Husband Na May Kasamang Babae!.....

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Jerome

 


Itinanggi ng singer at song writer na si Moira Dela Torre ang isyong magkasama silang muli ng kanyang dating asawang si Jason Marvin Hernandez, matapos ang mahigit sa isang taong hiwalayan nila.


Mariin ngang itinangi ni Moira na nagkabalikan sila ng kanyang dating asawa na si Jason, matapos na pag-usapan sa social media ang nakakaintregang post ni Jason sa kanyang Instagram story.


Kahapon nga May 11, ay nagpost si Jason ng isang larawan na may kasamang isang babaeng nakasumbrero na nakayakap, mula sa kanyang likuran.



Dito nga ay hindi maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng suot nitong sumbrero.


Kaya naging palaisipan ito sa mga netizens at kanya-kanya silang hula kung sino ngaba daw ang misteryosang babaeng ito.


Na siyang nagpapasaya at nagpapangita ngayon kay Jason Hernandez.


Ayon naman sa hula ng ilan na maaring si Moira daw ang babaeng ito dahil magkahalintulad daw kasi ang suot nilang singsing na makikita sa larawan.


Kaya naman isang netizen ang naglakas loob na tanongin si Moira kung siya nga ba ang siyang babae na kasama ni Jason sa larawan.


Ngunit agad-agad naman itong itinanggi ni Moira, kaya naman lumalabas na may natagpuang bagong pag-ibig ngayon si Jason. 


Pero hindi malinaw kung sino ang kasamang babae na ito ni Jason at kung pano sila nagkakilala. 


Matatandaang noong May 2022 ay ipina-alam nina Moira at Jason sa publiko na hiwalay na sila, matapos silang ikasal noong taong 2019.


Aminado naman si Jason na hindi siya naging tapat sa pagsasama nila ni Moira, na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo