Pokwang, Natalakan Ng Netizens Sa Pagbabahagi Ng Hugot at Cryptic Post Laban Sa Dating Ka-Live in

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Muli na naman nagbahagi ng patama post ang komedyanteng si Pokwang laban sa dating kinakasama niyang foreigner na si Lee O'Brian.


Sa ibinahaging post kamakailan ni Pokwang sa kanyang Instagram post, nabahagi siya ng tila comparison ng kanyang pagiging nanay look at ang kanyang fierce look na naging trademark na niya noon pa man.


“Ako noong halos walang oras para sa sarili maalagaan at mapakain ka lang hahahhahahaa ako ngayon nang matauhan at mahalin naman ang sarili tah kaa!!!! BOOM!!!!” caption ni Pokwang sa kanyang post.


Tila hindi naman ito nagustuhan ng isang netizen at hindi napigilang talakan at real talk-in si Pokwang. 


“Pls don’t take it the wrong way po Miss Pokie pero iba po yung sigla ng mata mo sa first pic.. You look genuinely happy ❤️ Eyes can’t lie," pagpupunto ng netizen.


Hindi naman ito pinalagan ni Pokwang at inamin pang totoo ang ipinahayag niyang pagmamahal kay Lee O'Brian noon.


“Genuine din kasi yung love na binigay ko kaya ganon,” walang pag-aalinlangang saad ni Pokwang.


Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Pokwang sa kabila ng failed relationship niya kay Lee.


Matatandaan na sinalubong ng komendyanteng si Pokwang ang bagong taon sa pagpapasabog ng mga baho ni Lee O'Brian.


Ikinagulat ito ng mga netizens dahil naunang ipinahayag ni Pokwang noong bagong hiwalay pa lamang sila ni Lee na walang third party o anumang hard feeling sa pagitan nilang dalawa.


Subalit sa isang panayam ay inamin ni Pokwang na pinili niyang  magsinungaling noon dahil umaasa siyang magiging maayos at magkakabalikan sila ni Lee alang-alang sa kanilang anak na si Malia.


Samantala, naging usap-usapan naman ang pagkakaroon ng bagong babae ni Lee O'Brian.


"Everything has a reason.Malia ay kailangang ipanganak kaya Ng meet kayo moreover narealized mo na mas kailangan mo mahalin Ang sarili muna.Great job Ms. Pokwang."


"Mamang, forget the past na. Focus on the good …. Don’t let the bitterness of yesterday deprive you of today’s goodness :)"


"truts! Ayos na din yung mamang at least natanggal na yung toxic sa buhay mo... Kesa ikaw lang yung kumakayod, nagtataguyod at nagmamahal. Ano man yung nawala sayo mamang doble ang balik ng swerte sayo"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo