Joshua Garcia Gustong Mamuhay Ng Simple at Praktikal, Mamahaling Sasakyan at Motor Binenta!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Jerome

 


Ibinenta ng sikat na young actor na si Joshua Garcia ang kanyang mamahaling sasakyan at motor, sa kadahilanang hindi daw para sa kanya ang mga mamahaling bagay tulad nito.


Ayon nga kay Joshua Garcia na hassle daw itong dalhin, saad niya, "Parang naha-hassle ako kasi bawal mo siya isingit-singit sa daan."


"Alam mo naman sa atin napaka traffic,  so para siyang kotse kung matraffic, traffic talaga, nakatigil ka lang diyan sa tirik na araw."


"Siyempre bumili ka ng biker na jacket na may mga protection, ang init nun."


Ngunit hindi ito ang pinaka dahilan ng aktor sa pagbebinta niya ng mamahalin niyang mga sasakyan.


Dahil sa kagustuhan daw talaga niya na mamuhay lamang ng simple.


Pahayag niya, "Bibili ka ng motor na maganda, hindi ko pala siya kailangan sa buhay ko."


"Isa sa mga realization ko yan, so after pandemic nag reflect ako, after ng mga realization, tinanggal ko yung mga ganun sa buhay ko."


Dagdag pa niya, "Nag simula akong maging praktikal nalang, kung ano lang yung kailangan ko."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo