Say Mo Skusta Clee? Zeinab Harake Nakipagtukaan Sa Ibang Lalake?

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Jerome


 

Tila kinumperma na ng Ex-PBA Basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. ang namamagitan sa kanila ng sikat na Vlogger na si Zeinab Harake.


Matapos niyang ibalandra sa kanyang Instagram account ang isang video na makikitang muntik na silang magtukaan ni Zeinab Harake.


Makikita sa ibinahagi niyang video na maingat na maingat niyang inaayos ang buhok ng vloigger habang ito ay naka yuko.


Matapos naman ang ginawa ng basketbolista ay makikitang tuwang-tuwa naman si Zeinab.


Mapapansin naman sa huling bahagi ng video na tila magtutukaan na ang dalawa, ngunit hindi na ito itinuloy pa at natapos na ang video. 


Sanasabing video nga ay hindi na napigilan ng kanilang mga tagahanga at ng Team Zebby ang kiligin sa dalawa.


Sa comment section naman ng nasabing post ay  puro positibo ang mga naging reaction ng mga kaibigan ng vlogger para sa kanyang bagong buhay pag-ibig.


Talagang butong-buto ang mga kaibigan ni Zeinab kay Bobby Ray Park Jr. dahil na kasama na daw nila ito sa Japan.


Maging ang anak ni Zeinab na si Lucas ay tila malapit na din sa basketbolista, dahil may kuha na ding mga larawan ang dalawa na magkasamang nagbonding.


Agaw pansin din ang naging post ni Bobby Ray Parks Jr. na may nakasulat na, "I'm not the step Father, I'm the Father that stepped up."


Kaya hiling naman ng mga fans ni Zeinab na sana ay alagaan, mahalin at paligayahin na nitong si Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab, dahil deserve na daw nitong maging masaya.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo