Pokwang, Hinding-Hindi Na Makikipag-Ayos Kay Lee O'Brian

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng komedynteng si Pokwang na hinding-hindi na siya makikipagbalikan pa sa dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Sa naging guesting niya sa Korina Interviews, napag-usapan nila ang kamakailang pambabanat ni Pokwang sa kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Matatandaang, unang nagkakilala sina Lee O’Brian at Pokwang noong 2014 sa pamamagitan ng pelikulang Edsa Woolworth. 


Si Lee O'Brian ay isang American actor na sa loob ng maraming taon, hindi aktibo sa pag-arte. Samantalang si Pokwang ay isang aktres na patuloy na lumabas sa mga palabas sa Kapamilya network hanggang sa lumipat siya sa Kapuso network.


Naging kontrobersyal ang kanilang paghihiwalay dahil unang tinatakpan ni Pokwang ang mga kalokohan ni Lee hanggang nitong January biglaan na lamang niyang nilabas ang kanyang hinanakit sa gitna ng balitang may bago na itong girlfriend.


Ayon kay Pokwang, hindi man lang gumagawa ng paraan si Lee na maibigay ang kanilang pangangailangan ni Malia mula noong ipinagbubuntis pa lamang niya ito.


Pinili umano niyang manahimik noon dahil sa pag-asang magkakabalikan pa sila kahit man lang para sa kapakanan ng kanilang anak na si Malia.


Subalit nagising na umano siya ngayon sa katotohanan wala na silang pag-asa.


Sa ngayon ang mas pinagtutuunan ng pansin ni Pokwang ang kanyang trabaho at mga anak. Ito rin umano ang ginagawa niyang paraan upang makapag move on sa hiwalayan nila ni Lee.


“Sa trabaho. Sa dami ng trabaho ko ngayon, sobrang thankful ako, sobrang nagpapasalamat ako sa mga tao na binabato ako ng trabaho ngayon…”


“Sabi nga nila, ‘napaka tanga mo naman, hindi ka na nadala,’ ganun talaga e nagmahal ka e. “Walang taong matalino pagdating sa pagmamahal. Nagiging bobo tayong lahat.”


“And kung ano man ‘yun, naging masaya ka naman and kunin mo ‘yung lesson, ‘yun lang ‘yun. Hindi para manisi ka pa,” pahayag ni Pokwang. 


“Ngayon siguro, magtatrabaho nalang ako nang magtatrabaho. Mas magpapayaman ako ng bonggang bongga para doon sa mga anak ko. Para malaki naman ‘yung maiiwan ko sa mga anak ko," dagdag pa nito.


Ipinagdidiinan naman ni Pokwang na wala na siyang balak pang makipagbalikan kay Lee kahit pa hihingi ito ng panibagong pagkakataon.


“Hindi na. Bakit pa, hindi ba. Hindi naman niya kami pinili na e. So ano pa ‘yun? Tama na.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo