Liza Diño Dinepensahan Ang Desisyon Ng FDCP Sa Pagbibigay Ng Maraming Proyekto Kay Ice Seguerra

Linggo, Mayo 21, 2023

/ by Lovely


Dumipensa ang dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson na si Liza Diño sa ginawang desisyon ng council sa pagbibigay ng maraming projects sa kanyang partner na si Ice Seguerra.


Bukod sa mismanagement at pinaghihinalaang lavish expenses ng FDCP sa ilalim ng pamamalakad ni Liza, kinakaharap din niya ngayon ang isyung favoritisms sa kanyang partner na si Ice Seguerra na palagi umanong nabibigyan ng trabaho under FDCP organized events.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, lumalabas na ngayon ang bulok na pamamahala ni Liza noong siya pa ang namamahala sa FDCP, maging ang pagkuha ni Liza ng mga talents ay kinukwestiyon na rin.


Pinabulaanan naman ito ni Liza sa isang panayam at sinabing pareho lamang ang kanyang pagpili ng talents kahit pa kay Ice Seguerra mismo. Pinabulaanan din niyang nakakatanggap ng extra favor si Ice Seguerra.


“Just like how we reach out to various filmmakers and artists as mentors, speakers, resource persons for our programs and events, I reach out to Ice Seguerra, one of the top entertainment icons of the country, to help the agency mount our events and perform,” pahayag ni Liza.


Gayunpaman, may pagkakataon umanong inuuna nilang kunin si Ice dahil ginagawa umano nito ang mga gig ng libre. Ginagawa umano nila ito upang maka-save ng money.


“I think there were few occasions where we gave him an honoraria during the pandemic. But this was all presented and reported to the Council.” 


Samantala, kinukuwestiyon umano ng mga showbiz insider ang madalas na stint ni Ice Seguerra sa FDCP bilang performer, director, at album producer. 


Ayon pa sa kanila, na hindi sapat na dahilan na para makatipid ay palaging kinukuha ng cuncil si Ice dahil para sa kanila ay may ibang artista sa industriya na kasing galing ng singer o mas magaling pa kaysa rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo