Pokwang for Sale Na Ang Property Sa Camaya, Ang Casa Malia!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Pinag-iisipan ngayon ng actress-comedian na si Pokwang na ibenta ang kanyang Camaya property at maghanap na lamang ng ibang bahay bakasyunan para sa kanila ni Malia.


Matapos ang mahaba-habang pag-iisip ni Pokwang napagdesisyunan niyang ibenta na lamang ito at maghanap na lamang sila ng ibang bahay bakasyunan.


Ayon kay Pokwang nalulungkot siyang bitawan ang property na ito subalit kailangan niya itong gawin upang makapagmove-on.


Ipinasilip pa ni Pokwang ang kabuuan ng ipinagawang beach house sa Camaya upang may makakitang potential buyer.


Makikita pa sa ibinahagi video ni Pokwang na malaki ang bahay at may magandang view na talagang nakakarelax. Mapapansin din na hindi pa masyadong crowded ang place na perfect para sa mga taong naghahanap ng peace of mind.


Kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media si Pokwang matapos niyang ilabas ang totoong katangian umano ng kanyang dating partner na si Lee O'brian.


Ayon kay Pokwang, isa umano itong irresponsableng ama napaka batugan at hindi man lang nagbibigay ng suporta para sa pagpapalaki ng kanilang anak na si Malia.


Ikinagulat at nagtataka ngayon ang ilang mga netizens sa mga banat na ito ni Pokwang dahil nauna niyang ipinahayag noon na 'no hard feelings' sila nang magdesisyon na maghiwalay.


May ilan pang bumatikos sa komedyana at sinabing nagbibitter lamang ito at hindi pa nakakamove-on sa hiwalayan nila ni Lee. Lalo pa't napapabalita ngayon na may bago na itong babae.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo