Coco Martin, Kinakabahan Ba Sa Voltes V: Legacy?

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ng actor-director na si Coco Martin ang katanungan ng ilang mga netizens kung ano ang kanyang nararamdaman na may panibagong makakatapat ang kanyang teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Sa isang panayam, binigyang-linaw ng actor-director na si Coco Martin ang ilang katanungan ng mga netizens tungkol sa kanyang saloobin sa panibagong katapat ng Ang Batang Quiapo, ang Vlotes V: Legacy ng GMA7.


Ang Voltes V: Legacy ay isang Philippine Adaptation ng hit anime series na Voltes V. Isa rin itong live action na talagang pinaghandaan ng GMA network na siyang maituturing nang isa sa mga mega teleserye ng network.


Mga magagaling din na mga artista ang pinili para sa bawat karakter sa nasabing teleserye. Ito rin ay isa sa may pinakamalaking budget para sa pagbuo nito.


Una nang inilabas sa mga senihan ang Voltes V: Legacy. Kung mapapanood ang kaganapan bago sakupin ang Earth. Mapapanood naman ito sa GMA7 simula May 8, 2023 sa kaparehong timeslot ng Ang Batang Quipo.


Samantala, ayon kay Coco Martin, handang-handa siya at ang buong cast ng Ang Batang Quiapo sa magiging tapatan nila sa ere ng Voltes V: Legacy.


Directed by Mark A. Reyes, ang Voltes V: Legacy ay pinangungunahan nina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho at Ysabel Ortega. Naroon din ang kilalang magaling na artista sa GMA7 na sina Carla Abellana at Dennis Trillo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo