Claudine Barretto Hindi na Magpapakasal Ulit Dahil Nagbigay Na Ng Vow Kay Raymart Santiago!

Sabado, Mayo 6, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng aktres na si Claudine Barretto na wala na siyang balak magpakasal matapos ang failed marriage nila ng aktor na Raymart Santiago.


Sa guesting ng aktres  sa programang Fast Talk with Boy Abunda, tinanong ng ‘King of Talk’ na si Boy Abunda si Claudine tungkol sa mga posibilidad na makahanap ng lalaking mamahalin at mapapangasawa niyang muli.


Hindi naman nagdalawang-isip si Claudine at kaagad na sinagot ng ‘hindi’ na sinabing ibinigay na niya ang kanyang vow kay Raymart.




Matatandaan na ibinunyag na ni Claudine sa isang lumang panayam na nagkamali siya sa kasal ni Raymart, na nainlove daw siya sa aktor nang pumanaw ang ex-boyfriend niyang si Rico Yan.


“Nakita ko kasi na pag hiwalay na kayo, parang magkagalit na kayo. Hindi naman pwede, hindi pwede na ganun. You will always have a relationship because of the kids. Naguguluhan na din sila kasi sa away away. We failed as husband and wife, so let’s not fail as parents pa,” pagsisisiwalat ni Claudine Barretto.


Gayunpaman nananatili pa rin umano ang kanilang pagiging civil sa isa't-isa para sa kanilang mga anak.


“We have to make decisions with the children as a family pa rin. Hiwalay kayo pero you have to be together for the kids when it comes to decision making, anything about the children, even the schedule,” saad ni Claudine.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo