Jake Cuenca, Nagsalita Na Sa Totoong Relasyon Nila Ni Chie Felomino!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan sa ilang entertainment sites at news outlets na tila ba'y nililigawan umano ng aktor na si Jake Cuenca ang sexy actress na si Chie Felomino matapos mapansin ng mga netizens na palaging nag-iiwan ng komento at reaction sa bawat post ng aktres.


Nilinaw na ng aktor na si Jake Cuenca ang real score sa pagitan nila ni Chie Felomino.


Sa panayam kay Jake sa naganap na Hot Summer LaHot Sexy 2023 nitong hwebes May 4, 2023 ipinahayag nito ang kanyang paghanga sa aktres.


“I’m admiring her. I guess I can say that,” pag-amin ni Jake Cuenca.


Nilinaw naman ni Jake Cuenca na alam ni Chie Felomino ang kanyang paghanga at kinikilala pa lamang nila ang isa't-isa.


“She knew that I admire her. Yeah. Before anything, like it’s just, very ano lang… we’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company.”


Si Jake Cuenca ay dating karelasyon ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa. Subalit matapos ang ilang taon nilang pagsasama, bigla na lamang nilang inanunsyo  ang kanilang paghihiwalay.


Sa isang lenghty post sa Instagram noong April 2022, inamin ni Jake Cuenca ang kanilang hiwalayan ni Kylie. Hindi naman nito nilinaw ang dahilan ng kanilang hiwalayan subalit inihayag niyang mutual decision nilang dalawa ang paghihiwalay.


“I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.”


“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger. We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets — only the good memories. Certainly that’s what I will be holding on to.”


Samantala, ipinahayag naman ni Jake Cuenca na kahit hiwalay na sila ay mananatili pa rin ang kanyang pagsuporta kay Kylie.


“I will still be here to support you because in so many ways I feel part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it."


"Holding hands, as friends. Wherever you are or whatever you’re doing I will always be sending you love and positivity. Know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo