Pauleen Luna Hindi Imbitado Sa Kasal Ni Pia Wurtzbach!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng pagiging private at discreet ng naganap na wedding nina Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey may ilang pa ring pagkakamaling napansin ang ilang mga bashers sa naganap na wedding nila.


Ayon sa mamatang lawin na mga netizens hindi nila napansin si Pauleen Luna na siyang isa sa mga bff ni Pia Wurtzbach.


Magkaibigan na sina Pia Wurtzbach at Pauleen Luna mula pa noong teenager sila, sabay ding nagsimula sa ABS-CBN. Kaya naman marami ang nag-eexpect na makita sa wedding nito si Pauleen.


Matatandaan, na naging bridesmaid noon si Pia Wurtzbach sa star-studded wedding nina Pauleen Luna at Bossing Vic Sotto noong January 2016.


Kaya naman hindi mapigil ng mga netizens ang kanilang pagtataka kung bakit hindi nakadalo si Pauleen sa pa-private wedding nina Pia at Jeremy.


Nito lamang byernes May 5, ginulantang ni Pia Wurtzbach ang publiko nang ibahagi niyang ikinasal na pala sila ni Jeremy noon pang March 24.


Isa lamanng simpleng seremonya sa North Island sa Seychelles ang naganap sa pagitan ng couple.


Makikita rin sa video na iilang tao lang ang nasa kasal nila at wala ang mga taong malapit sa kanila.


Ayon kay Pauleen, nasabi naman daw sa kanya ni Pia na malapit na silang magpakasal ni Jeremy subalit wala naman umano itong na-mention na exact date.


Nilinaw din ni Pauleen  na para naman daw kina Pia at Jeremy ang naturang okasyon kaya masaya silang lahat para sa kanilang kaibigan.


“I’m super happy for her,” saad ni Pauleen.


Sinabi rin ni Pauleen Luna na sakaling alam niya ang exact date ng kasal ng dalawa ay hindi rin siya makakabiyahe sa Seychelles. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo