Reaksyon Ni Pauleen Luna Dahil Hindi Invited Sa Wedding Ng Bestfriend Na Si Pia Wurtzbach at Jeremy!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Isa ang Tv host at maybahay ni Vic Sotto na si Pauleen Luna sa mga matatalik na kaibigan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.


Sina Pia at Pauleen ay matalik na magkaibigan mula pa noong teenager pa lamang sila, at sabay din silang nagsimula sa showbiz.


Si Pia Wurtzbach ang naging brides maid ni Pauleen sa naging Wedding ni Pauleen kay Bossing Vic Sotto, noong January 2016.


Kaya naman naitanong kay Pauleen Luna kung imbetado ba siya sa kasal ng kanyang kaibigang si Pia.


Matatandaang noong biyernes May 5 ay ginulat nina Pia at Jeremy ang mga netizens ng ipinasilip niya sa kanyang Instagram ang naging Beach Wedding nila ni Jeremy.


Noong March 24,2023 pa pala sila nagpakasal, sa isang simpleng kasalan lang sa North Island sa Seychelles.


Makikita sa ibinahaging video ng beauty queen na iilan lang ang mga taong naroon at wala ang mga taong malalapit sa kanila.


Saad naman ni Pauleen na nabanggit naman daw sa kanya ni Pia noong nag-uusap sila na malapit na silang magpaksal, pero hindi daw nito sinabi ang eksaktong petsa ng kasal.


Aniya pa, na para naman daw kaina Pia at Jeremy ang naturang okasyon, kaya masaya silang lahat para sa kanilang kaibigan.


Sabi ni Pauleen, "I'm super happy for her," at dagdag pa ni Pauleen na malamang hindi rin siya makakabiyahe sa Seychelles.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo