Liza Soberano Agaw Pansin Sa Gold Gala 2023! Bella Poarch at Lea Salongga Spotted Sa Party!

Lunes, Mayo 8, 2023

/ by Jerome

 


Marami ang nakapansin sa ganda ng hitsura ng actress na si Liza Soberano sa Gold Gala 2023, nitong kamakailan lamang ay ibinahagi ng actress ang kanyang Gold Gala outfit, sa kanyang Instagram account.


Suot ni Liza ang isang itim na gown ni Mark Bumgarner, na may butterfly sleeves at corseted upper body, na lumikha nga kahangahangang porma na nagbigay diin sa kanyang magandang pangangatawan.


Ang kanyang kasuotan ay mayroong stone werks na nagbibigay ningning sa kanyang kasuotan.


Upang mabuo ang kanyang outfit ay nagdagdag si Liza ng diamante na Jewelry mula sa Global Rings Jewelries kabilang na ang kanyang mga suot na kwentas, hikaw, bracelet at singsing na nagbibigay ng karagdagang elegant sa kanyang buong hitsura.


Ang kanyang buhok naman ay naka style sa malalagong waves sa kanyang likod, na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan.


Samantala, ibinahagi din ni Liza sa kanyang Instagram account ang ilang mga golden moments kasama ang ilan pang mga personalidad sa gabi ng kanyang pag attend.


Kabilang na nga sa mga dumalo dito ay sina Bella Poarch at Lea Salongga at iba pa.


Caption naman ni Liza sa kanyang post, "Golden moments from the Gold Gala ✨"


"Thanks @goldhouseco @bingchen @jeremytran for bringing all of us together to celebrate and better support AAPI excellence."


"To my @transparentarts thank you for always being my home away from home 🤍"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo