Ogie Diaz, Tinanong Si Xander Ford Kung Siya Ba Ang Pinapatamaan!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


Tinanong ni Ogie Diaz si Xander Ford kung siya ba ang pinapatamaan nito sa kanyang mga sunod-sunod na mga post sa kanyang social media account.


Matatandaang nagpahayag ng pagkadismaya si Xander Ford sa mga taong inimbitahan niya na nakatakdang maging ninong ng kanyang anak na si Baby Xeres. Subalit wala umanong abiso na hindi pala makakarating sa araw ng binyag ng anak.


“Ngayon yung binyag ng anak ko. Ang lungkot kasi yung mga taong inaasahan ko na pupunta sila yung wala.” 


“Kahit yung presensya lang sana para sa baby ko ok na ako pero alam ko na ridin kami importante kasi dinaman na kami sikat,” ilan sa mga himutok ni Xander Ford.


Samantala, sa programa ni Ogie Diaz, nagbigay siya ng paliwanag kung bakit hindi siya nakapunta sa binyag ni Baby Xeres.


Ipinahayag niyang puno ang kanyang schedule at napakabusy niya sa araw na iyon.


Gayunpaman, sinabi niyang hindi naman siya tumatanggi sa role bilang godfather ng bata.


“Ako ba pinariringgan mo Xander Ford? Kung ako man itong pinariringgan ni Xander, pasensya na. Pero hindi ako nag-promise kay Xander na makakarating kasi nga yun nga yung conflict doon,” saad ni Ogie Diaz.


“Pero I told Xander na yes, ako ang ninong ng anak mo ‘nung kausap ko siya sa one on one interview. Pero sabi ko naman ipadadala ko ang aking regalo. E hiningi ko naman kay Xander ‘yung kanyang ano, bank details, alam na. Para sa inaanak ko yun,” dagdag pang paliwanag ni Ogie Diaz.


Pinayuhan pa ni Ogie Diaz si Xander Ford na itigil na ang pagpapatama at pagrarant sa social media tungkol sa nangyari sa binyag ng kanyang anak.


“Saka Xander alam naman nating may solian ng kandila, ‘wag kang magpapasoli ng kandila lalo na’t ‘di naman tinanggihan ‘yung anak mo na maging sila ‘yung pangalawang magulang.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo