Chie Felomino Nagsalita Na Sa Komentong 'Salamat Doc' sa Kanya!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ibinahagi ng actress na si Chie Felomino ang isang Tiktok video kung saan gumamit siya ng clear skin filter.


Hindi naman gaanong nagbago ang skin tone ni Chie Felomino kahit pa gumamit na siya ng filter. Samantala, sa caption ipinahayag ng aktres ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang dahil sa mga genes ng mga ito.


Subalit, sa comment section ng TikTok video ni Chie Felomino may isang netizen na ipinuntong hindi daw dapat sa awesome genes ng mga magulang magpasalamat si Chie Felomino kundi sa mga doctor na gumawa sa kanyang beauty enhancement.


"Hindi ba dapat salamat doc? НАНАНАНАННАНА," komento ng netizen.


Hindi naman ito inatrasan ni Chie Felomino at inamin pa niya ang kanyang pagpaparetoke ng ilong subalit ipinunto niyang clear skin ang kanyang ginamit na filter at hindi clear nose. Sinabi rin niyang mahina sa reading comprehension ang nasabing basher.


"Sa ilong oo hina naman ng reading comprehension mo. CLEAR SKIN teh. Hindi CLEAR NOSE."


Samantala, ang TikTok video ni Chie Felomino ay umabot na sa mahigit one million views at maraming reactions.


Marami rin sa kanyang mga tagahanga ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta at paghanga para sa aktres.



@chiefilomeno

Trying this clear skin filter. Salamat sa parentals for their awesome genes 🥹

♬ 7AM (Sped Up) - adrian

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo