Cristy Fermin, Sinaway Ang Hindi Pakikiramay Ni Liza Soberano Sa Dating Talent Manager Niyang Si Ogie Diaz!

Linggo, Mayo 7, 2023

/ by Lovely


 Hindi naitago ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kanyang pagkadismaya sa pagtrato ni Liza Soberano sa kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz.


Matatandaan na kamakailan lamang ay pumanaw ang ina ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz. Subalit, hindi man lamang umano tumawag o nagpadala man lamang ng mensahe ng pakikiramay ang aktres na si Liza Soberano.


Maging ang dating ka-loveteam nito at nobyong si Enrique Gil ay hindi rin nagpadala ng anumang mensahe sa taong may malaking bahagi sa kanilang tagumpay sa industriya ng showbiz.


Kinumpirma pa ito mismo ni Ogie Diaz sa kanyang programa kung saan ay ipinahayag din niyang hindi naman siya nagalit na hindi man lamang siya dinamayan sa pagdadalamhati nina Liza Soberano at Enrique Gil.


Tila, iniintindi na lamang ng talent manager ang pagiging busy ngayon ni Liza Soberano sa kanyang pag-iistablish sa kanyang Hollywood career.


Subalit, hindi naman ito pinalampas ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin. Ayon kay Manay Cristy, napaka-disrepectful ni Liza gayung si Ogie Diaz ay may malaking ambag sa kanyang pag-angat at pagsikat sa larangan ng pag-arte.


“Hindi ko alam kung bakit ni maiksi na condolences, isang salita ay hindi nakapagpadala itong si Liza Soberano kay Tito Ogie niya. Alam naman niya na isang dekada mahigit ang kanilang pinagsamahan. Alam naman niya na nabago ang estado ng kanyang buhay dahil sa tulong sa kanya ni Ogie Diaz.”


Dagdag pa ni Manay Cristy Fermin, sa ginawang ito ni Liza Soberano pinapatunayan lamang niyang wala talaga siyang utang na loob.


“Para po sa akin ang ginawa ni Liza Soberano kay Ogie Diaz nung mamayapa ang kanyang ina ay kawalan ng utang na loob. Ito po ay para sa akin. Kawalan ng utang na loob sa mga tao o sa isang tao na tumulong at nagpabago ng kanyang buhay habang sila ay magkasama… Hindi ko matatanggap ‘yun Romel, hindi ko matatanggap talaga,” pagbibigay saloobin ni Cristy Fermin.


Matatandaang naunang binatikos ang aktres na si Liza Soberano matapos niyang ipahayag sa kanyang vlog na ginawa lamang siyang sunod-sunuran ng ABS-CBN at ng dating management.


Kinumpara pa ni Liza Soberano ang kanyang sarili sa isang bulaklak na sinasabihan lamang ana mamukadkad ng maganda subalit hindi man pinapakinggan.


Tila nagreklamo rin si Liza Soberano sa pagkahon umano sa kanya sa iisang actor, sa iisang loveteam.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo