Ogie Diaz Nagpasaring Sa Isang Host, Umaasa Lang Sa Teleprompter

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


Tila may pinapasaringan ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang ibinahaging Facebook story.


Mababasa kasi sa kaniyang post, ang kanyang payo sa isang hindi pinangalanang host na huwag masyadong umasa sa teleprompter.


Ang teleprompter ay isang monitor na nasa harapan ng isang host, katabi ng camera, kung saan nababasa ng host ang kailangan niyang sabihin.


“Pag host ka wag ka masyadong dependent sa teleprompter. Dapat, alam mo at na-research mo ang subject mo o yung isyung pinag-uusapan."


"Ikaw ang captain of the ship, ikaw ang inaasahang magdadala ng show, ikaw ang aakay sa guests, ikaw ang hihimay ng mga isyung pinag-uusapan hanggang sa maitawid mo hanggang dulo,” pahayag ni Ogie Diaz.


Dagdag pa ni Ogie Diaz, “Sa umpisa, maiitindihan mo, manganganay. Pero hindi naman lahat ng viewers mo, makakaintindi na nanganganay ka eh. Anyway, matagal ka na sa hosting, kaya mo ‘yan. Wala kang di kakayanin.”


Kilala si Ogie Diaz sa pagbibigay ng mga prangkang komento tungkol sa kinakaharap na isyu ng ilang celebrities. May mga inilalabas ring siyang showbiz updates sa kanyang YouTube channel kasama sina Mama Loi at Tita Jegz.


Sa kabilang banda, hindi naman nagbigay ng anumang clue o karagdagang detalye si Ogie Diaz kung sino ang host na kanyang tinutukoy.


Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Ogie Diaz sa naging pahayag ng kanyang dating alaga na si Liza Soberano, nang ipahayag ng huli ang kanyang pagkakahon dala ng dating management.


Ipinahayag din ni Liza Soberano na hindi man lamang umano siya hiningan ng input nina Ogie Diaz sa mga nauna niyang proyekto hindi umano katulad ngayon na siya ang nakikipag interact sa kanyang mga projects.


Agad na nilinaw ni Ogie Diaz na wala  itong katotohanan dahil palagi nilang tinatanong kung ano ang kanyang inputs sa mga nakaraan niyang projects.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo