Joshua Garcia in Love Pa Rin Kay Julia? Inaming Walang Balak Magseryoso Sa Lovelfe!

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Jerome

 


Tila hindi pa panahon para sa sikat na kapamilya actor na si Joshua Garcia, para seryosohin ang pakikipagrelasyon.


Matapos ang una niyang showbiz relationship sa actress na si Julia Barretto na nauwi sa hiwalayan, ay tinuldokan na din ni Joshua ang kanilang maikling relasyon sa social media personality na si Bella Racelis.


Ayon sa actor na hindi naman daw mawawala ang magkaroon siya ng special na babae sa kanyang buhay.


Subalit ang hinahanap niya ngayon ay ang isang nobyang maiintindihan ang kanyang mga prayoridad sa buhay, gaya na lamang ng kanyang pagiging artista at sa kanyang pamilya.


Aniya sa isang panayam, "Hindi mawawala yun, pero ang priority ko ngayon is my family and work, sa dami kasi ng trabaho, hindi ako magaling maghati ng time ko, baka mawalan ako ng oras kawawa naman yong girl."


Naibahagi din ni Joshua na tigil daw muna siya sa pakikipagrelasyon sa ngayon.


Dahil sa kanyang trabaho siya ngayon naka focus, mas makakabuti naman ito sa kanya, dahil matututokan niya na ng maigi ang kanyang mga ginagawang proyekto at ang mga darating pang proyekto.


Gaya na lamang ng teleserye na Unbreak My Heart, kung saan ay isa itong collaboration project ng GMA7 at ng ABS-CBN.


Dito nga ay makakasama niya ang multi awarded na si Judy Sta. Maria at ang kapuso star na si Gabi Garcia at si Richard Yap.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo