Doc. Adam Smith Binatikos Ang Panibagong Kanta Ni Toni Fowler

Miyerkules, Mayo 17, 2023

/ by Lovely


Kamakailan lamang ay muling naglabas ng panibagong music video si Toni Fowler sa kantang MNM o Mommy Na Masarap.


Muli itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at mga nakakapanood dahil sa malaswang tema nito.


Maging ang Fil-Am Doctor at vlogger na si Doc. Adam Smith ay naglabas na rin ng kanyang reaksyon sa panibagong music video na inilabas ni Toni Fowler. 


Ayon kay Doc. Adam, marami na siyang napagdaanang sakit subalit walang mas sasakit pa sa inilabas na music video ni Toni.


 “I have had some painful things happen in my life. I have had broken bones, awful toothache and severe sunburn. However, the most pain I have ever had is the pain I have in my eyes from watching this Toni Fowler video,” caption ni Doc. Adam sa kanyang Facebook post.


Matatandaan na naunang nakatanggap ng pambabatikos si Toni Fowler nang ilabas niya ang naunang music video ng kantang MPL na ayon sa mga netizens na napakalaswa.


Hindi pa roon tumigil si Toni Fowler at muling naglabas ng panibagong kanta na may malaswang content katulad ng MPL ang MNM (Masarap Na Mommy).


Samantala, nauna nang nilinaw ni Toni Fowler na ang kanta at music video na gagawin niya ay hindi para sa mga bata at obligasyon na umano ng mga magulang na gabayan at bantayan ang mga anak sa mga bagay na napapanood sa social media.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo