Ogie Diaz Ipinagtanggol si Carlo Aquino Sa Natanggap Na Bash Kamakailan!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Agad na dinipensahan ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang aktor na si Carlo Aquino matapos nitong makatanggap ng pambabatikos dahil sa paggamit ng maraming security guard sa isang mall.


Matatandaan na kamakailan lamang ay kumalat ang video ni Carlo Aquino kung saan makikitang pinalilibutan sila ng kasama niya babae ng magkakahawak kamay na security guards kahit tila wala namang kaguluhang nagaganap.


"Pinagkaguluhan daw si Carlo Aquino ng mga guwardiya di raw ng mga fans, mas marami raw yung mga gwardiya kaysa yung mga gustong makikamay na fans," saad ni Ogie Diaz.


Kaagad ding ipinahayag ni Ogie Diaz ang kanyang saloobin sa nangyari.


Aniya, "Akala naman nila e ang laki-laki ng kasalanan ng taong ito sa kanila. kung i-bash nila ng bonggang-bongga."


"Hindi naman natin alam kung sa bahaging 'yun ay wala nang mga fans pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-kurdon ng mga gwardiya."


"Baka galing dun sa ano na maraming tao, na hindi nakunan na dire-diretso dun sa parang secret passage tapos yun ang nakunan na puro gwardiya na yung kasunod,"  pagpupunto pa ni Ogie Diaz.


Matatandaan na umani ng mga negatibong komento mula sa mga netizens ang kumakalat na video noon ni Carlo Aquino. Sinabihan pa silang OA at feeling big star ng ilang mga netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo