Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon sa social media ang lumabas na balitang, naaresto si Joey De Leon dahil sa paglabag nito sa batas.
Agad namang nilinaw ng Quezon City Police District (QCPD) na hindi ang 'Joey De Leon' ng Eat Bulaga ang kanilang hinuli kundi si Joey Magalong De Leon, ang itinuturing na “No. 6 Most Wanted Person” ng Project 4 Police Station.
Ayon sa Facebook post ng Philippine Information Office ng QCPD last May 3, 2023, sinabi ni PLTCOL Leoben Ong, station commander of Project 4 Police Station, naaresto ng mga pinagsamang puwersa ng Police Station 8 at PNP Drug Enforcement Group (PDEG), NCR ang 51 anyos na si Joey De Leon bandang 2:30 p.m. noong May 2 sa tahanan nito sa Brgy. Batasan Hills. Quezon City.
Si Joey De Leon ay may pending warrant of arrest dahil sa kanyang paglabag sa violation of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inilabas ni Judge Billy C. Evangelista, ang presiding judge ng Branch 303, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.
Labis naman na pinuri ng PBGEN Nicolas D. Torre III ang mga operatiba ng PS 8 sa pagkakahuli kay Joey De Leon.
“Patuloy naming tinutugis ang mga may bahid ang pangalan sa batas to totally make Quezon City a safe and secured City.”
Samantala, nauna nang naiulat ang pagkakahuli ng isang Ferdinand Marcos sa kasong Acts of Lasciviousness. Bilang paglilinaw hindi ang pangulong Ferdinand Marcos ang aming tinutukoy.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!