Luis Manzano, Nagpositibo Sa C0vid-19, Pinag-iingat Ang Publiko!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Isang malungkot na balita ang inihayag ng actor-host na si Luis Manzano kamakailan lamang sa kanyang social media account nitong May 5, 2023.


Ipinahayag ng actor-host na nagpositibo siya sa Covid-19 kaya naman pinag-iingat niya ang lahat.


Bilang pagpapatunay, ipinakita rin niya ang kanyang test kit na makikitang mag positive result. 


Ito rin ang unang pagkakataon na nagpositibo si Luis sa nasabing sakit kaya naman hiling niya na ang nangyari sa kanya ay magsisilbing eye opener sa ibang mga netizens na iniisip na wala na talaga ang Covid-19.


Nauna nang naiulat ang muling pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng Covid-19 sa bansa.


Si Luis Manzano ay isang sikat na aktor at TV host na nagtatrabaho sa Kapamilya network. Anak siya ng showbiz legends na sina Vilma Santos at Edu Manzano. 


Nakapagbida na rin siya sa ilang pelikula at nakapaghost ng ilang mga hit shows at talent search sa Pilipinas. Kinasal si Luis Manzano sa aktres, product endorser, at model na si Jessy Mendiola.


May anak na sina Luis at Jessy na nagngangalang Isabella Rose o Baby Peanut.


Nauna rito ang pag-alma ni Luis Manzano sa isang netizens sa nagkomento sa kanyang post at nagbigay ng unsolicited comment tungkol sa pagtawag nilang Baby Peanut sa anak.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo