Leila de Lima, Napawalang Sala Sa Kasong Pakikisabwatan Sa Pagbibinta ng Dr0ga

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Naging laman sa mga usap-usapan sa social media ang hatol ng Muntinlupa court  sa isa sa mga kasong kinakaharap ng dating senador na si Laila de Lima.


Samantala, ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, hindi nilinaw ng kampo ni Leila de Lima ang ginawang hatol rito. Simpleng salitang acquitted lamang ang natanggap ng mga reporters mula sa mga abogado ng dating senador.


Ang pagpapawalang-sala ngayon kay Leila ay ang ikalawang tagumpay nito sa mga kinakaharap niyang kaso. Ibinaba ang hatol sa dating senador ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204. 


Si Leila De Lima, noong nakaraan, ay may ilang posisyon sa pamahalaan, katulad bilang Senador, Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan, at Kalihim ng Karapatang Pantao. 


Tumakbo siya at nanalo bilang Senador noong 2016 National Elections kung saan nahalal si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang Pangulo ng Pilipinas.


Matatandaan na ang dating pangulong Duterte ang nagsiwalat sa pagkakadawit ni Leila de Lima sa isyu ng droga sa bansa.


Wala pang isang taon matapos manalo sa halalan, inaresto si Sen. De Lima at naikinulong noong February 24, 2017 sa mga kasong may kinalaman sa droga. 


Bagama't, napapawalang sala, hindi ito nangangahulugan na kaagad nang makakalaya si Leila de Lima.


 Maaaring manatiling nakakulong ang dating senador hanggang sa makapaglabas ng resolusyon ang Muntinlupa City RTC Branch 256 sa petition for bail nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo