Miles Ocampo Sweet Kiss Video with Bf Ibinahagi Ni Elijah Canlas | Miles 26th Birthday!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Jerome


 Kahapon May 1 ay ipinagdiwang ng actress at Tv host na si Miles Ocampo ang kanyang ika 26 na kaarawan at talaga naman na kinilig ang kanyang mga fan sa birthday message ng kanyang boyfriend na si Elijah Canlas para sa kanya.


Spotted din ang magkasintahan sa isang beach resort, na naghalikan habang naka sakay sa surf board. 


Sa Instagram account naman ng actor ay ibinahagi niya ang ilang mga sweet na larawan nila ni Miles na magkasama, at dito nga ay inihayag niya kung gaano niya kamahal si Miles Ocampo.


Ayon pa sa actor na isang insperasyon ang kanyang nobya at labis ang kanyang pasasalamat, sa pagdating ni Miles sa kanyang buhay.


Saad niya, "Witnessing your growth has been such an inspiration. i’m grateful i get to share this journey with you, camille. you’re a blessing to this world — and i’m blessed to call you mine. happy birthday, my love!"


Halos magdadalawang taon na ang relasyon nina Miles at Elijah.


Bagama't apat na taon ang pagitan ng kanilang edad, dahil 22 years old palamang itong si Elijah ay mas matured na daw itong mag-isip.


Sa panahong may pinagdadaanan itong si Miles sa kanyang kalusugan, ay ang kanyang nobyo ang tangi nitong sandigan at nagpapalakas ng kanyang loob.


Lubos din ang pasasalamat ng actor dahil nakahanap siya ng nobyang, sinusuportahan siya sa lahat ng gusto niyang gawin sa kanyang buhay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo