Ogie Diaz May Mensahe Sa Mga Bashers Ni Liza Soberano!

Martes, Mayo 2, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng pakiusap si Ogie Diaz, dating talent manager ni Liza Soberano sa mga bashers nito kasunod ng kanyang binitiwang pahayag sa podcast ng American Rapper na si Peniel at Korean star na si Ashley Choi.


Matatandaan, sa nasabing vlog, inihayag ng aktres ang kanyang saloobin sa pagkakaroon ng loveteam.


Dito ipinahayag ni Liza Soberano na matatawag niyang toxic ang loveteam culture ng Pilipinas.


“In the Philippines, there’s this huge phenomenon called love teams. Love team is when they put two actors together and they become like `Brangelina.’ They ship you and this scenario, there’s reel and real, and we’re supposed to be a real couple on and off cam and we only work with each other our whole career.”


“So if you look at my previous movies and TV shows, I mainly worked with one co-actor and love team and you’re expected to be with that just one person throughout your career and your personal life. And people don’t wanna see you with other male actors or any other male in general,” pahayag ng aktres.


Agad naman itong umani ng pambabatikos mula sa mga netizens at sinabing pinatunayan lamang umano ni Liza Soberano na wala talaga siyang utang na loob sa mga taong nag-angat sa kanya sa buhay at naging daan upang sumikat siya.


Samantala, agad namang naglabas ng pahayag ang dating talent manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz at pinakiusapan ang mga bashers ng aktres.


"Ako ha, as Ogie Diaz as former manager of Lizs Soberano, 'wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob. Hindi po 'yan issue. Walang isyu doon."


"Kasi, kahit naman ako, may utang na loob din naman ako kay Liza, si Liza din, depende rin kung tatanawin niya. Ganun lang naman yun. Nasa tao po yan, nasa buto po yan ng tao."


"'Pag yan ay umiiral sa kanya at nandun talaga. Kahit pa anong mangyari sa buhay niya, ay hindi pa rin niya nakakalimutan kung saan siya naggaling, kung sino ang nakasama niya sa kasagsagan ng kanyang journey," pahayag ni Ogie Diaz.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo