Maja Salvador Papalit Kay Maine Mendoza Sa Eat Bulaga

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag si Vic Sotto sa mga kumakalat na balitang si Maja Salvador ang papalit kay Maine Mendoza sa Eat Bulaga.


Ayon kay Bossing Vic Sotto ang pagpapalit ni Maja Salvador kay Maine Mendoza sa show ay desisyon mismo ng production team sa pangunguna ng TAPE Inc. at nang Eat Bulaga sa pangunguna naman nila.


“Saka masipag sa trabaho, grabe. Nakita ko kung ga’no kasipag,” saad ni Vic Sotto.


Gayunpaman, hindi naman niya nilinaw kung ano ang rason nang pagppayag at pagpili nila kay Maja Salvador na maging kapalit ni Maine Mendoza.


Samantala, nagtapos na rin ang sitcom nina Vic Sotto at Maine Mendoza na Daddy's Gurl kasunod ng pagreresign ni Maine Mendoza sa Eat Bulaga.


May nakatakda na rin namang kapalit ng Daddy's Gurl, isang panibagong sitcom, Open 24/7 kung saan makakasama niya sina Maja Salvador, Jose Manalo at iba pang mga baguhang talents ng GMA’s talent agency na Sparkle.


Ang Open 24/7 ay isang sitcom  na nagpapakita sa buhay sa convenience store.


“Kumpleto ang mga generation eh. Me Gen Z, me Millennial. Kami ‘yun, Millennial,” pagbibiro ni Vic.


"Basta ito ay magsisimula this May, I don't know yet the time, pero kapalit ng 'Daddy's Gurl'."


Samantala, parehong ikakasal ngayong darating na July sina Maja Salvador at Maine Mendoza. Inihayag din ni Vic Sotto kinuha siyang ninong ng dalawa sa kani-kanilang mga kasal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo