Zeinab Harake at Ray Parks Inamin Na Ang Kanilang Relasyon, Instagram Official Na

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma na nina Zeinab Harake at Ray Parks ang kanilang relasyon sa kani-kanilang Instagram post.


Nangyari ang pag-amin nila ilang araw matapos kumalat ang kanilang larawan na magkasama sa Japan.


Sa Instagram account ni Ray Park ibinahagi niya ang video nila ni Zeinab Harake kung saan tinatalian niya ito ng buhok. Maririnig pa sa nasabing video ang convo nilang dalawa.


"Buti na lang ako 'yung nanliligaw 'no? Ikaw 'yung walang patience, e," saad ni Ray.


Agad naman itong inirepost ni Zeinab kalakip ang caption na Cutie bebe.


Agad naman itong ikinatuwa ng mga tagahanga at kaibigan ni Zeinab Harake. Marami ang natutuwa sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig nito.


Matatandaan na naunang isiniwalat ni Xian Gaza, kaibigan ni Zeinab Harake, ang pagliligawan ng dalawa kasunod ng mga nababasa umano niyang haka-haka at komento online na nakakasira sa imahe ni Zeinab Harake.


Samantala, marami naman ang naku-curious ngayon sa reaksyon ng dating kinakasama ni Zeinab Harake, ang OPM Rapper na si Skusta Clee sa pagkakaroon ng bagong manliligaw ni Zeinab Harake.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nagkakasundo sina Zeinab Harake at Skusta Clee kahit man lang sa pagiging co-parent nila sa kanilang anak na si Baby Bia.


Nitong kaarawan ni Bia, muling hindi pinagbigyan ni Zeinab ang hiling ni Skusta na masilip man lamang si Baby Bia.


Matatandaan na naging kontrobersyal ang hiwalayan ng dalawa, matapos ihayag ni Zeinab ang pagkalaglag ng kanyang ipinabubuntis. Sa panayam naman sa Toni Talks, isiniwalat pa ni Zeinab ang ilang ulit niyang pagkakahuli kay Skusta Clee na may mga babae.


Si Skusta Clee naman ay nalink na rin sa ilang mga babae matapos ang hiwalayan nila ni Zeinab Harake. Unang nalink siya sa itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan, si Aira Mae Lipata isang TikTok star.


Ilang linggo matapos ang kanilang sweet moments sa social media bigla na lamang silang nagkahiwalay.


Kasunod naman niyang naging babae ay si Ava Mendez, isang Viva artist.


Pareho namang hindi malinaw ang naging dahilan sa hiwalayan nila ng dalawang babaeng ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo