Maja Salvador Natupad Na Ang Pangarap Sa Kanyang Buhay!...

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Jerome

 


 Natupad na ang pangarap ng actress, dancer, Tv host at Talent Manager na si Maja Salvador na makilala at makita ang kanyang tunay na ama na matagal na niyang hinahanap.


Ngunit hindi rin nagtuloy-tuloy ang kanilang pagsasama bilang mag-ama, dahil may sarili na itong pamilya, at medyo naging komplekado para sa kanila ang mga sumunod na pangyayari.


Sa panayam nga ng Fast Talk with Boy Abunda ay napag-usapan nga nila ang tungkol sa kanyang ama.


Pagbabalik tanaw ni Boy Abunda na nabanggit ni Maja noon na gusto niyang makita ang kanyang tunay na ama.


Kung hindi raw nagkakamali ang beteranong Tv host ay 14 years old pa lamang si Maja noon ng nakilala niya ito at inilarawan pa nga niya si Maja na isang napaka simpleng dalagita na may simpleng pangarap na makita ang kanyang ama.


Tanong ni Tito Boy sa actress, "How musc of that girl is still there?"


Na sinagot naman ni Maja nang, "Narito parin siya, yung hindi nawawala yung mangarap, kasi para sakin kapag natupad na itong isang pangarap na ito, hindi parin siya natatapos."


Dagdag pa niya, "Ang mararamdaman ko kung paano ang magkaroon ng isang tatay sa bahay, forever yun Tito Boy, kung hindi ko siya maramdaman yung makita ko lang yung tatay ko."


"Yung masabi ko lang sa mga kaibigan ko, sa mga kaklase ko  na may tatay din ako, di ko lang siya kasama pero may tatay ako."


Natupad naman daw ang kanyang mga hiling namakita ang kanyang ama, pero hindi daw nagtuloy-tuloy ang kanilang kumonikasyon.


Aniya, "Hindi po nagtuloy-tuloy kasi may ibang pamilya na rin ang tatay ko."


Paglalarawan pa ni Maja sa kanyang ama, "Sakto lang pero masaya na yung puso ko na nakilala ko siya."


Samantala, tuloy na tuloy naman ang kanyang kasal kay Rambo Nunez, ngayong darating na July.


At isa naman sa mga tatayong ninong nila ay si Bossing Vic Sotto.


Sa ngayon ay magkasama sina Maja at Vic Sotto sa pinakabagong set com ng GMA na Open 24/7 kasama sina Jose Manalo, Sopia Pablo at iba pang Sparkle artist.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo