Sam Pinto Inihayag Ang Kanyang Saloobin Sa Isyung Nagdi-Date Sila Ni Alden Richards

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang actress-model na si Sam Pinto sa isyung nakikipagdate siya noon kay Alden Richards na mas bata sa kanya ng ilang taon.


Matatandaan na naisyu noong 2011 ang kanilang yacht date ni Alden Richards habang parehong baguhan pa lamang sila sa industriya ng showbiz.


Ayon sa paglilinaw ni Sam Pinto, ang naganap na yacht date nila noon ni Alden Richards ay para sa promotion ng kanilang project na magkasama at nagtapos lang ding doon.


Ipinahayag pa ni Sam Pinto na hindi niya inisip na makipagdate ng totohanan kay Alden Richards dahil sa kanilang age gap.


Para sa kanyang ang ideyang pakikipagrelasyon kay Alden Richards ay very uncomfortable at pakiramdam niya ay nagiging isa siyang cougar.


Sa loob ng ilang taon ay hindi umano nagbago ang pananaw ni Sam Pinto sa mga nakakarelasyon. Isa sa kanyang mga pinagbabasehan sa magiging partner ay ang edad dahil ayaw niya sa mas bata sa kanya.


Gayunpaman, tila pinaglaruan talaga siya ng tadhana dahil ang kanyang napangasawa ay dalawang taon rin na mas bata kaysa sa kanya.


Si Samuelle Lynne Acosta Pinto-Semerad na ipinaganak noong December 11, 1989, na mas kilala sa kanyang screen name na Sam Pinto, ay isang Filipina actress and commercial model.


Nagsimula si Sam Pinto bilang isang print-ad at TV commercial model. Sa edad na 10, nakuha niya ang kanyang unang trabaho sa pagmomodel at sa mga poster para sa Coca-Cola.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo