Luis Manzano Muling Pinatulan Ang Commenter na Pala Desisyon sa Itatawag Nila Sa Anak!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng actor-host na si Luis Manzano ang komento ng isang paladesisyong netizen na pinangaralan sila sa pagtawag nilang Baby Peanut sa kanilang anak.


Kamakailan lamang, ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang Youtube channel ang pag-unbox nila sa mga regalong natanggap ni Baby Rosie mula sa kanyang mga ninong at ninang.


Samantala, sinagot naman ni Luis Manzano ang ilang komento ng netizen tungkol sa pagtawag nilang 'peanut' sa kanilang anak.


“Parang iniisip daw nila (Rex and Jay) kung anong name ang ilalagay sa card, nasa counter na raw sila. Nag-uusap sila, 'Ano bang ilalagay natin, Peanut or Rosie?' Tapos 'yung nasa counter yata, narinig. 'Oh my God, si Peanut, 'yung anak ni Luis saka ni Jessy. Ang cute cute niya,'” pagsasalaysay ni Luis Manzano.


Ibinahagi rin ni Luis Manzano ang ilang komento mula sa mga netizens tungkol sa pagtawag nila sa kanilang anak bilang si Baby Peanut.


Sagot naman ni Luis, “Hindi ako na-inform na kayo nagluwal sa kanya sa mundo.”


Kilala ang actor-host na si Luis Manzano na pumapatol sa mga bashers ng kanyang mga mahal sa buhay.


Matatandaan, na pinatulan din noon ni Luis ang basher na nagsasabing maganda ang kinalabasan ng pagpaparetoke ni Jessy Mendiola.


Nauna rito, napabalita ang pagkakasangkot ni Luis Manzano sa Flex Fuel Investment Scam, kung saan inireklamo siya ng mga investor ng Flex Fuel.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo