Coco Martin Kinumpirma Ang Collaboration Nila Ng KathNiel!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktor/direktor ng Batang Quiapo na si Coco Martin ang kanyang saloobin sa napapabalitang collaboration nila ng sikat na magka-loveteam na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Kilala si Coco Martin sa pagpi-feature ng maraming talents sa kanyang serye. Nang gawin niya ang Ang Probinsyano, na-feature ng actor-director ang mga veteran stars, mga returning actor and actress, at maging ang mga baguhan sa showbiz.


Ganoon pa rin ang ginagawa ngayon ni Coco Martin sa panibago niyang teleserye na Ang Batang Quiapo, saan katambal niya si Lovi Poe.


Sa pagkakataon ito, mga vlogger at social media influencers naman ang kanyang kinuha para maging bahagi ng cast.


Samantala, sa isang panayam kay Coco Martin, naitanong sa kanya ang posibilidad ng collaboration nila kasama ng KathNeil loveteam.


Inamin naman ni Coco Martin na noon pa man ay pangarap na niyang makasama sa iisang project si Daniel Padilla na kilala ring magaling sa larangan ng pag-arte.


Saad pa ni Coco Martin na kung magkakaroon sila ng pagkakataon at masisingit sa kanilang mga schedule, masaya siya makikipagcollab sa celebrity couple.


“Isang karangalan ng Batang Quiapo Ang makatrabaho si Kathryn at Daniel,” pahayag ni Coco Martin.


Wala pa mang kasiguraduhan ang collaboration nila at ang pagkakasama sa KathNeil sa cast ng Ang Batang Quiapo, nagpahayag na ngayon ang kani-kanilang mga tagahanga ng excitement at inaabangan na itong mangyari.


“sige na coco guest mo na kathniel sa batang quiapo mo, wag mo na patagalin pwede mag asawa role,” hirit ng isang netizen.


Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag hinggil sa pagkakasama ng KathNiel sa Ang Batang Quiapo.


Sa ngayon ay parehong abala sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang solo projects. 


Si Kathryn Bernardo ay may nakalinyang dalawang movie. Habang si Daniel naman ay may inaasahan ding projects kung saan iba ang kanyang leading lady.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo