Alden Richards, Nangangarap Na Magpakalbo!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng Kapuso actor at tinaguriang Pambansang Bae na si Alden Richards ang isa sa kanyang mga pinapangarap noon pa man.


Ayon kay Alden Richards, noon pa man ay pangarap na niyang magpakalbo subalit palagi na lamang nagkakaroon ng dahilan upang hindi ito matuloy-tuloy.


Minsan ay dahil sa mga produktong iniendorso o di kaya ay mayroon naman siyang project mapapelikula man o teleserye.


“Gusto ko po talaga, ang dami lang restrictions gawa po ng siyempre mga brands natin na inaalagaan natin. Siyempre ‘pag nabigyan naman ng clearance, why not?” pagsisiwalat ni Alden sa isang interview.


“Kasi dream ko rin talaga ‘yung magpakalbo pero hindi pa puwede ngayon,” dagdag pa ng aktor.


Sa ngayon ay abala si Alden Richards sa upcoming movie nila ng Kapamilya actress na si Julia Montes.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsasama ang dalawa sa iisang proyekto. Puring-puri naman ni Alden ang professionalism ni Julia Montes.


Nauna na rito ang pagpuri naman ng mga fans ni Julia kay Alden Richards sa pagiging gentleman nito sa pag-alalay nito sa aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo