Lolito Go May Nakakawindang Na Rebelasyon Sa Hiwalayang Moira Dela Torre at Jason Hernandez

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Isang nakakagulat na rebelasyon ang isiniwalat ng lyricist/composer na si Lolito Go tungkol sa naganap na hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Ang hiwalayan nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez ay mainit pa ring pinag-uuspan magpahanggang ngayon sa ishowbiz industry.


Muling pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang totoong dahilan kung bakit biglaan na lamang isiniwalat ng dalawa ang kanilang paghihiwalay. 


Kamakailan lang, nakatanggap ng bashing si Jason para sa pag-post ng mga larawan kasama ang isang "mystery woman" at para sa pagpapalabas ng isang music video na nagpapakita ng mga clip sa kasal nila ni Moira.


Nitong May 28, binasag ni Lolito ang kanyang katahimikan sa breakup at mga isyu sa pagitan ng dating mag-asawa. 


Si Lolito Go ang composer sa likod ng kantang Titibo-Tibo na naging daan para sa lalong pagsikat ni Moira. She interpreted the song in the grand finals of Himig Handog 2017.


Dahil dito naging magkaibigan sina Lolito at Moira Dela Torre hanggang sa mameet na rin niya ang naging mister nitong si Jason Hernandez.


Magsasalita na umano ngayon si Lolito dahil naawa na siya dahil sa labis na bashing na natanggap ni Jason Hernandez matapos ilabas ang music video ng kanyang kantang 'Ikaw Pa Rin'.


“I have been itching to write about this a few months ago pa. Hindi ko na kasi ma-take ang pambabash ng publiko kay Jason. But Jason stopped me because he still wanted to protect Moira,” saad ni Lolito.


Isiniwalat din ni Lolito na hindi totoo ang sinabi ni Moira sa lyrics ng kantang 'EME' na “wala naman akong kasalanan”.


Ibinunyag din ng lyricist/composer na maraming beses na niyang nahuli si Moira na nagsisinungaling, subalit iniisip niya na lamang na baka epekto ito ng stress sa industriya at mga medications na iniinom nito.


“Moira is more of an oppressor than a victim. Jason took all the blame, took all the bashing, in the name of love. That’s how he was raised. To roll with the punches. To give the other cheek,” pagsisiwalat pa ni Lolito.


Dagdag pang pagsisiwalat ni Lolito na kahit noong hindi pa umamin si Jason sa kanyang pagiging unfaithful nais nang makipaghiwalay ni Moira dahil may bago na rin itong ipapalit kay Jason.


 “Yes, nagkasala sya. Pero walang third party on Jason’s side. He never fell in love with anyone else. His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn’t fulfill his s=xual needs,” hayagang pambubulgar ni Lolito.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo