Lolito Go Hindi Natatakot Kasuhan Ni Moira Dela Torre

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Mainit pa rin pinag-uusapan ngayon ang mga isiniwalat ng lyricist/composer na si Lolito Go patungkol sa totoong pag-uugali umano ng singer na si Moira Dela Torre.


Inakusahan ni Lolito si Moira na inangkin ng buo ang credits sa isang kantang isinulat niya, sinungaling din umano ito, at nagpapavictim sa mga nangyaring hiwalayan nila ni Jason Marvin Hernandez. 


Samantala, naglabas na rin ng statement ang kampo ni Moira at itinanggi ang lahat ng mga akusasyon ni Lolito Go.


Dahil sa kumakalat ngayon post at akusasyon ni Lolito laban kay Moira Dela Torre, tila hindi malabo na magsampa ng kaso ang kampo ni Moira dahil ilan sa mga isiniwalat ni Lolito ay mabibigat na akusasyon na maaring ikasira ng career ni Moira.


Gayunpaman, ipinahayag ni Lolito na hindi siya aatras kahit pa magsampa ng reklamo si Moira Dela Torre. Muli rin niyang ipinunto na ang kanyang mga isiniwalat ay ang mga bagay na pinaniniwalaan niyang totoo.


Ayon pa kay Lolito, na hindi naman umano nangangahulugang makukulong siya kung sasampahan siya ng kaso ni Moira. Hindi rin umano ito nangangahulugan na siya na ang mali.


“When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're wrong. When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're getting locked up. Anyone can sue. And I am not someone you can intimidate by legal actions. I am willing to face the music.”


Sinagot rin niya ang kanyang mga bashers na nag-akusa sa kanya nbilang clout chaser. 


Ayon kay Lolito, may karapatan siyang ilabas ang kanyang saloobin at ipagtanggol ang isang taong maling inakusahan ng mga bagay-bagay.


“clout chaser ako dahil lang I aired my sentiments? Di ko pwede ipagtanggol yung taong kinakawawa at binubugbog publicly? Di ko pwede ipagtanggol ang sarili ko for being shortchanged?


"For being preyed upon by bigger artists? Hindi ako pwedeng maging tinig ng maliliit na composers who are being stepped on and used for corporate gains ng iilan? I had already gone viral a thousand times fighting for other people's basic rights... Di ko kelangan ng clout,” saad ni Lolito.


Agad naman itong umano ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagsasabing dapat hindi atrasan ni Lolito ang laban kay Moira dahil siya naman ang nag-umpisa nito.


"Actually, you brought that to yourself. Don't try to turn the table by doing self-pity. My ghosh, in the first place it's not right to interfere in someone's private relationship lalo na't wala ka namang kinalaman sa relasyon nila."


"Ang tagal na nung issue pero ngayon ka lalabas? For what? Why now? Why are you bringing up the past? Second, anong karapatan mong i-bring up ang mental condition ni Moira? That's a foul on her part. 


"If you used to be her friend you wouldn't reveal that to public. You brought this to yourself then might as well face the consequences."


"Ano gusto mo, medal? You run your mouth, face the consequences."


"Lumugar ka woy. Di mo need magtanggol. They can fix their marriage by themselves. Mas sinisira mo pa nga dahil jan sa kadaldalan mo"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo