Xander Ford Nagbigay Ng Mensahe Sa Mga Nagsasabi Na Mukha Siyang Pera

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hinihintay  pa rin ni Xander Ford ang 350 thousand na ibibigay ni Christian Merck Grey sa kanya na ihahatid pa nito mismo sa kanilang bahay.


Matatandaan na ilang ulit niyang ginambala at pinaringgan sa social media si Christian Merck Grey para lamang makapagbigay ito sa hinihingi niya pera na ipinangako umano ni Christian Merck Grey sa kanya bago ang pagpapabinyag niya kay Baby Xeres.


Nakipagsabwatan pa si Xander kay AwitGamer para lamang makapaningil na kay Christian Merck Grey. Tila narindi naman si Merck kaya pinagbigyan na niya si Xander Ford at nangakong ibibigay na niya ang pera.


Kaya naman, habang hinihintay si Merck, gumawa muna ng video si Xander Ford at sinagot ang kanyang mga bashers.


Matatandaan na hindi nagustuhan ng mga netizens ang ginawa ni Xander Ford kung saan tila inasa na lamang umano nito sa  mga ninong at ninang ang kanyang responsibilidad bilang ama, ang pagpapabinyag sa kanyang anak.


Hindi lamang inasa, tila pinagkikitaan pa umano niya ang bata dahil sa sapilitang paniningil niya kay Christian Merck Grey.


Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Christian Merck Grey na ibibigay niya ang pera kay Xander Ford dahil naawa siya sa anak nitong nadadamay na sa isyu at maging sa mga pambabatikos.


Pagdidiin pa ng content creator na hindi siya nangako kay Xander Ford ng pera at nagbibiruan lamang sila noong panahong iyon.


 Samantala sa latest video na ibinahagi ni Xander Ford, sinagot na niya ang ilan sa mga banat at batikos sa kanya ng mga netizens.


“Sa mga taong apektado… galit na galit sa akin ngayon dahil nga mukha raw akong pera, pasensya na kayo. Sa hirap ng buhay ngayon, eh kailangan talaga ng tao ng pera,” saad ni Xander Ford.


Sa isa pang video na ibinahagi ni Xander Ford, ipinunto niya kay Merck na utang nito ang sinisingil niyang pera, hinamon pa ni Xander Ford si Merck na kung hindi pa ito magbabayad ay ipapaTulfo na niya ito.


Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens.


"Yung pangako naging utang.. my god 349k mukhang pampakasal Yan at pambili ng bahay nila Yan Kasi ang nirerequest sa Kanya ng asawa nya dahil wala pera si Marlou gingamit nlng anak para mabili Yung luho"


"Yun alam mo gumagawa sila ng issue para marami manood pero nanonood parin nakakatuwa kasi kakapalan ng mukha ni marlou tska yun kayabangan ni merk"


"Kawawang yung bata nadadamay sa ka toxican nila mas pinamukha mo lng na di mo kay maging ama darating din ang araw yung karma kapag nawala n ung mag ina mo sayu binyag pa lang jusko iniinda na kung di kaya simple lng wag mayabang atlis nagampanan mo ang tunay na pagmamahal mo sa anak mo bilang ama"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo