Lolit Solis Very Happy Sa Panibagong Love Life Ni Kris Aquino

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na nagbigay ng kanyang saloobin si Manay Lolit Solis sa napapabalitang pag-amin ni Kris Aquino sa totoong relasyon nila ng Batangas Vice Governor na si Mark Leviste.


Ipinahayag din ni Lolit Solis sa kanyang mahabang Instagram post ang pagkakamiss sa kabutihan at generosity ni Kris Aquino.


“Alam mo ba Salve na miss ko ang SnR gc ni Kris Aquino tuwing birthday ko ? Kadalasan pa naman kung ano edad ko iyon ang GC na bigay ni Kris na on time binibigay ng trusted at confidante niyang si Alvin.”


Nagbigay rin ng honest opinion si Lolit Solis sa tila pag-amin ni Kris Aquino sa totoong estado ng relasyon nilang dalawa ni Mark.


“Nakaka miss talaga iyon generous spirit ni Kris Aquino pero masaya ako na meron na siyang love ngayon gaya ng nababalitang sila na ni Mark Leviste. Kung tutoo ito sana ay maging forever para naman meron nagbabantay sa kanya.”


“Ito ang kailangan ni Kris isang nagmamahal na puwede niya sandalan lalo na pag may ganito siyang mga medical issues,” pahayag muli ni Kris Aquino.


Matatandaan na naunang naisyu na may relasyon sina Mark Leviste at Kris Aquino noong nagdaang taon nang binisita ni Mark ang Queen Of All Media sa Amerika habang nagpapagamot.


Noong February pinili pa ni mark Leviste na magbyahe ng matagal para lamang makasama si Kris Aquino sa pagdiriwang ng Valentines Day at mismong kaarawan nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo