Cute Reaction Ni Alden Sa "Steve Harvey of the Phils. " | Miss Universe Ph Wrong Winners Announced!...

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Jerome

 


Aware ang Asia's Multi media star na si Alden Richards sa kanyang Steve Harvey moments sa ginanap na Miss Universe Philippines Coronation Night ng hindi niya sinasadyang mapagpalit ang announcement ng mga kandidata sa bahagi ng special awards.


Sa nasabing Coronation noong May 13, 2023 ay nakuha ni Alden ang atensyon ng mga pageant fans.


Matapos niyang i-announce ang pangalan ni Jannarie Quilay Zarzoso, ng Agusan Del Norte bilang miss Friendship kahit na ang nanalo ay si Shayne Maquiran ng Capiz.


Si Jannarie Zarzoso pala ang nanalo sa Face of social media award ng nasabing pageant.


Ang mag nangyaring ito ay katulad ng hindi kapanipaniwalang pagkakamali ni Steve Harvey sa Miss Universe 2015 Pageant kung saan ay hindi niya sadyang inanunsyo ang Colombia contestant bilang panalo Kahit na si Pia Wurtzbach ang dapat na makuronahan.


Ilang linggo matapos ang nasabing pageant ay humingi ng paumanhin si Alden sa kanyang pagkakamali sa isang panayam ni Ogie Diaz sa kanyang show.


Paliwanag ni Alden, "Nasa ilalim po kasi yung friendship tapos nasa taas po yung social media eh, friendship po yung una kong binanggit."


Dagdag pa ni Alden, "Wala naman pong may kasalanan ayaw ko rin naman pong manisi ng tao, na adress naman po na salo naman po natin siya ng maayos."  


Sa ngayon ay umaasa parin ang actor na namakakapag host parin siya ng isang big event.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo