Willie Revillame May Mega Announcement Na Gagawin Tungkol Sa Show Na Wowowin

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang haka-hak tungkol sa show ni Willie Revillame na Wowowin.


Ayon pa sa mga bulung-bulongan may gagawing mega announcement ang host na si Willie Revillame sa darating na June patungkol sa nasabing show.


Kasalukuyang nasa sabbatical leave ang Wowowin host na si Willie Revillame matapos ang kanyang pag-alis sa ALLTV. Nag-resign na umano ang TV host sa ALLTV na pagmamay-ari ni Manny Villar subalit ang balitang ito ay hindi naman kinumpirma mismo ng host.


Matatandaan na nakuha ng ALLTV ang dating frequency ng ABS-CBN matapos maaprubahang ng National Telecommunications Commission (NTC).


Si Willie revillame rin ay naging isang consultant nang maglaunch ang Alltv noong Setyembre 13, 2022. Noong nakaraang Pebrero, "sinuspinde" ng bagong network ang ilan sa mga orihinal nitong palabas dahil sa mahinang ratings.


Unang ipinagkibit-balikat ito ni Willie ngunit hindi nagtagal pagkatapos nito, lumabas ang mga balita tungkol sa kanyang pagbibitiw online.


Samantala, ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, nakatakdang magbigay ng mega announcement sa press si Willie Revillame patungkol sa kanyang show.


Matatandaan na marami rin naman ang nag-aabang sa show ni Willie Revillame dahil marami naman talaga ang natutulungan ng TV host.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo